TRABAHO PARA SA MGA BACOOREÑO – ALAGANG ATE LANI JOB FAIR 2023

Pinangunahan ni Cong. Lani M. Revilla ang programa sa pagbibigay ng trabaho sa mga Bacoreño sa pamamagitan ng Alagang Ate Lani Job Fair 2023 na pinangasiwaan ng Public Employment Service Office sa pamumuno ni Dr. Abhraham “Bob” De Castro.

Naging mapalad ang mahigit dalawang daang aplikante na dumalo sa Job Fair dahil ang karamihan sa kanila ay na-hired on the spot ng mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

Dumalo naman si Board Member Ram Revilla na nagbigay ng inspirational message sa lahat ng Aplikante, gayun din si Senior Labor Employment Officer II Anne Marie Faye Gloria na kinatawan ni Provincial Director Marivic Martinez ng Department of  Labor and Employment (DOLE) Cavite.

Dagdag pa rito, nagbigay rin ng Negosyo-Kart ang Office of Congresswoman Lani M. Revilla katuwang ang DOLE sa labing tatlong Bacooreño na Ambulant Vendors.

Patuloy parin ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ni Cong. Lani M. Revilla para maibigay ang tulong at magandang serbisyo sa ating mga kababayang Bacooreño.

Sama-Sama, Tulong-Tulong, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *