Patuloy ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa pamamagitan ng inorganisa nitong medical missions sa iba’t ibang bayan at lungsod sa probinsiya. Umabot na sa mahigit 600 indibidwal ang naserbisyuhan nito sa magkakahiwalay na medical missions na isinagawa ng Cavite Provincial Health Office sa bayan ng Mendez at sa mga lungsod ng Dasmariñas at Imus. Kabilang sa mga serbisyong libreng ipinagkaloob sa mga residente ay medical checkup at health counseling. Namahagi rin ng libreng gamot ang pamahalaang panlalawigan sa mga benepisyaryo ng medical mission. Kasama ng Cavite PHO sa nasabing medical missions ang mga volunteer doctors mula sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital at iba pang pribadong ospital sa lalawigan.(pia cavite)