ISKOLAR NG BAYAN, SCHOLARSHIP PROGRAM
PARA KABATAANG CAVITEÑO SA NOVELETA

Dalawang magkasunod na Scholarship Program ang ating idinaos kaninang umaga sa Bayan ng Noveleta upang bigyan ang mga Kabataang Estudyante ng kanilang educational assistance. Ang mga grades 1-8 ay nakatanggap ng tig-dalawang libong piso bawat isa, habang ang mga grades 9-12 naman ay makakatanggap ng tig-tatlong libong piso.

Nakakatuwa na makita ang mga estudyante na masaya kasama ang kanilang mga magulang. Kaya naman ang lagi kong bilin sa mga kabataan, mag-aral nang mabuti at para sa mga magulang, gamitin sa pangangailangan ng kanilang mga anak at huwag gagamitin sa ibang bagay.

Naisakatuparan ang programang ito sa Unang Distrito dahil sa proyekto ni Senator Ramon Bong Revilla, Jr., Agimat Partylist at ng inyong lingkod. Magkakatuwang kami sa paghahatid serbisyo sa inyo.(pia cavite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *