DENTISTA NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX, INARESTO

Dinakip ang isang DENTISTA sa kanyang klinika makaraang ihain ang warrant of arrest dahil sa umanoy hindi nito pagbabayad ng buwis sa Paliparan Rd, Brgy Salawag Dasmariรฑas City, Cavite. Ayon sa report kinilala ang inaresto na si Marilous Carbonell Escano, 59, dentist at kasalukuyang nakatira sa Stall #1 C-41 Sta Mesa Mart Wet and Dry Market, R. Magsaysay Blvd, Sta Mesa, Manila. Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Special Mayorโ€™s Reaction Team sa pamumuno nI PMajor Dave N. Garcia at PCapt Edgar Julian sa probisyon ni PMajor Edward Samonte , Hepe ng S.Ma.R.T at Regional Intelligence Unit-National Capital Region sa pamumuno ni PCapt Pierre Jamil Datong bitbit ang isang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Paulino Quitoras Gallegos, Presiding Judge ng RTC, Branch 47, Manila dahil sa paglabag sa Sec.255 of NIRC of 1997 in relation to Sec. 255 (d) and 256 (f) (that the accused is required to pay tax and/ or file a tax return). Kasalukuyang nasa loob ng Agathos Dental clinic sa Paliparan Molino Road, Brgy Salawag, Dasmarinas City, Cavite. ang DENTISTA na nagresulta ng kanyang pagkakadakip. Nag-ugat ang kaso ng nasabing dentista dahil sa hindi umano nito pagbabayad ng buwis sa kanyang klinika sa Sta Mesa, Maynila. Napag alaman na matagal na umanong hinahanap ang nasabing DENTISTA kung kaya hindi maihain ang warrant of arrest laban sa kanya at hanggang sa nagkataong may nagbigay ng impormasyon na nandito na siya sa Cavite. May inirekomendang piyansa ang korte na halagang P60,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.(MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜