Patuloy ang Cavite Police Provincial Office sa pagpapaigting ng operasyon nito kontra krimen na sulta sa pagkakahuli ng isang ‘most wanted person’ sa probinsiya at 40 indibidwal na sangkot sa magkakaibang krimen. Ayon pa sa Cavite PPO, 16 na personalidad rin na sangkot sa iligal na droga ang na huli nila sa 11 buy-bust operations na isinagawa ng pulisya kamakailan. Nangako naman si Cavite PPO Director PCol. Christopher Olazo na magpapatuloy sila sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima. “Ang Cavite Pulis ay lalo pang pinaigting ang kampanya laban sa mga gumagawa ng iligal na aktibidad, lalo na ang pagbebenta ng drogana unti-unting sumisirasa kinabukasan ng mga kabataan dito sa bayan ng Cavite,“ pahayag ni Olazo.(pia cavite)