Isinagawa ang aktibidad na ito bilang I b a h a g i ng National Service Training Program ng nasa mahigit 300 estudyante ng NCST-Dasma. Ang Isinagawang Coastal Clean-Up ay tulong sa paghahanda para sa nalalapit na Summer Vacation/Semana Santa at pagsusulong ng mga batas pangkalinisan ng mga karagatan. Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pakikipagugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Naic at NCST -Dasma na may layuning masiguro ang kalinisan at kaayusan ng karagatan ng Bayan ng Naic at upang paalalahanan ang lahat na maging Disiplinado at maDiskarte sa ating kalikasan. Muli, ang taos pusong pasasalamat ng Naic LGU ang nais ipaabot ng butihing Ama ng Bayan ng Naic, Mayor Raffy Dualan at Vice Mayor Jun Dualan sa lahat ng kabataang nakiisa at sa pamunuan ng NCST-Dasma sa pagsasagawa ng Coastal Clean-Up sa Bayan ng Naic.