May kabuuang 5,036 mag-aaral ng Cavite State University (CvSU)βCCAT Campus ang nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng Cavite Provincial Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nakiisa si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla sa pamamahagi ng tulong-pinansyal, kasama sina Gov. Abeng Remulla, Vice Gov. Ram Revilla Bautista, Board Member Jygs Gandia, at Board Member Romel Enriquez.
Hinimok ni Revilla ang mga benepisyaryong iskolar na gamitin nang wasto ang natanggap na tulong at ipagpatuloy ang pagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Bahagi ang programa ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang CaviteΓ±o.
