Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 4-A ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang Fully Compliant Local Government Unit (LGU) sa Full Disclosure Policy (FDP) ng kagawaran noong Nobyembre 3, 2026, para sa 2025โ2026 na sumasaklaw sa ikalawa hanggang ikaapat na quarter ng 2025 at unang quarter ng 2026.
Iginawad ang pagkilala buhat ng pagtalima ng lokal na pamahalaan sa FDP ng DILG. Sinisuguro ng naturang polisiya ang bukas na paglalahad ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga transaksyong pinansyal, paggamit ng pondo, at iba pang dokumentong may kaugnayan sa pamamahala.
Sa pamamagitan ng FDP, mas napalalakas ang kaalaman at partisipasyon ng mamamayan sa mga usaping may kinalaman pamamahala at paggamit ng pondo ng bayan.
Ang parangal na ito ay patunay rin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na itaguyod ang transparency, accountability, at mabuting pamamahala para sa bawat Imuseรฑo.
