Dumalo si Mayor Strike B. Revilla sa pagdiriwang ng ika-126 Anibersaryo ng Civil Service Commission. Kasama niya sa okasyon sina Ms. Natividad Ople, Head ng HRDMD, at iba pang kinatawan ng pamahalaan.
Naroon din sina Atty. Vlademir E. Villacorta, Director III, Atty. Marites P. Lappay, Director IV, at Sheila G. Acuña, Director III ng CSC Regional Office IV.
Isang malaking karangalan — ang Bacoor ang natatanging lungsod sa buong Cavite na pinarangalan! Kinilala ang ating lungsod dahil sa patuloy na suporta sa mga proyekto ng CSC tulad ng:
✅ Paglahok sa Commitment Wall
✅ Pagho-host ng Lingkod Bayani Express Program
✅ Pagiging sentro ng pagsusulit ng CSC
✅ Suporta sa iba pang adbokasiya ng komisyon
Salamat sa inyong tiwala! Patuloy tayong maglilingkod nang tapat!
Bacoor, natatanging lungsod sa Cavite na pinarangalan ng Civil Service Commission
