Christmas Lighting Ceremony @ City Hall

Muling nabalot ng liwanag at saya ang ating City Hall sa pagsasagawa natin ng Christmas Lighting Ceremony.

Nakasama natin sa makabuluhang okasyong ito si Board Member Aldrin Anacan, Vice Mayor Bobby Montehermoso, ang mga miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod, ang ating mga kawani, at iba pang mga panauhing nakiisa at naging saksi sa ating programa. ๐ŸŒŸ๐ŸŽ…๐Ÿป

Higit pa sa mga kumikislap na ilaw at makukulay na dekorasyon, ang tunay na ningning ng Pasko ay matatagpuan sa init ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagkakaisa, at pag-asang patuloy nating pinanghahawakan. โค๏ธ

Dahil ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa mga kaaya-ayang ilaw na nagbibigay-liwanag sa ating paligid, kundi sa kabutihang nagbibigay-liwanag sa buhay ng bawat isa. ๐ŸŽ๐ŸŽ„

Ilang araw na lamang po bago ang Pasko!โ˜บ๏ธ Simulan na natin ang countdown Treceรฑos. Pakicomment niyo kung ilang days na lang at sama-sama nating damhin ang saya, pananabik, at pag-asang hatid ng pinakamasayang panahon ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *