Environmental Management Bureau (EMB) Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Ang pagsasagawa ng Bio-Remediation project ay pinangungunahan ng Environmental Management Bureau (EMB) Department of Environment and Natural Resources (DENR) – CALABARZON sa pakikipag tulungan ng EM Research Philippines. Ang City of Bacoor ang kauna unahang siyudad as Cavite na mayroong BioRemediation project. Ito ay ang pagtatanggal ng mga pollutants sa tubig gamit ang iba’tibang microorganism at Bokashi mudballs. Nagkaroon ng oryentasyon at actual demo sa Bacoor Eco Park kanina na dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla na binigyang-diin ang kahalagahan ng proyektong ito sa pangangalaga ng kapaligiran ng lungsod. Ipinaliwanag ni Engr. Wilfredo U. Billones ng EMBDENR CALABARZON ang proyekto. Nagbigay din ng mensahe ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Chief Rolly Vocalan at nagkaroon ng actual demo application ang kinatawan ng EM Research Phil, Inc. na si Rosalia V. Arceo. Strike as One sa konserbasyon ng kalikasan sa lungsod ng Bacoor!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *