Lubos ang aking pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, sa pagkakaroon ng Arangkada Program dito sa ating lungsod ng Trece Martires na nagbigay ng suporta sa 4,291 Treceñong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA).
Kasama ding nakiisa sina Vice Governor Ram Revilla Bautista, 7th District Representative Ping Remulla, 7th District Board Members Aldrin Anacan at Camille del Rosario, Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Patuloy nating palalakasin ang mga programang nagbibigay ng oportunidad at suporta sa bawat Treceño, dahil ang pag-unlad ng ating lungsod ay bunga ng pagkakaisa at malasakit sa bawat sektor.
