Katas ng langis gamitin sa oil spill – Recto

Kung nakakakolekta ang gobyerno ng mahigit P380 billion kada taon sa mga produktong krudo at petrolyo, maaaring ang maliit na bahagi nito at magamit para tustusan ang paglilinis ng oil spill sa Mindoro na lubhang nakaapekto sa mga naninirahan sa baybayin nito, sabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto.

“Ang katas ng buwis sa langis ay dapat gamitin panglinis sa tagas ng lumubog na barko,” ayon kay Recto. Sinabi pa ng mambabatas na ang isang araw na halaga ng oil tax collections – P1 billion – ay makakasapat para magpagaan at magpahupa sa ecological disaster sa mga lugar na nasalanta. “Ang punto ko lang ay whatever you are spending is just a mere drop in the barrel of oil tax collections,” sabi pa ni Recto.

Naniniwala din ang mambabatas na “kung ang treasury ay isang oil tank, tama lamang na humigop sa laman nito para tugunan ang isang sitwasyon na kung saan karapat-dapat ang buwis para makatulong.” “Kapag nasa panganib ang kalikasan, tulad sa kaso ng oil spill, may karapatan ito sa dibidendo ng buwis,” dagdag pa ni Recto.

Base sapag-aaral ng House of Representatives think-tank, nakakolekta ang Bureau of Customs ng halagangP372 billion sacrude oil duties and taxes habang P233.5 billion naman sa petroleum products noong 2021, samantalang P7.4 billion excise tax naman ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue sa parehong taon. (Benjie J. Murillo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *