
Sa aming pakikipagpulong kay Huang Wei-che, Mayor ng Tainan, at sa pagbisita sa ibaβt ibang factory sa Taiwan, napag-usapan ang posibilidad ng pagtatayo ng mga manufacturing facilities sa Cavite City na makapagbibigay ng mas maraming trabaho at hanapbuhay para sa ating mga CaviteΓ±o.
Napag usapan din ang mga oportunidad sa edukasyon, kabilang ang pagkakaroon ng exchange student programs at scholarships sa mga top universities sa Taiwan para sa ating mga kabataan.
Ibinida rin natin ang kagandahan at kasaysayan ng ating lungsod upang mas makahikayat ng mga turista mula Taiwan na bumisita sa Cavite City, lalo na sa ating ipinagmamalaking Corregidor Island na isa sa pangunahing tourist destination sa ating lungsod.
Ilan lamang ito sa mga hakbang na ginagawa natin upang patuloy na mapaunlad ang Cavite City sa larangan ng trabaho, edukasyon, at turismo.
Maraming salamat kay Mayor Huang Wei-che, sa buong Tainan City Government, at kay Mr. George Wu sa napakainit na pagtanggap at maayos na pag aayos ng aming pagbisita sa Taiwan.
Special mention din kay Fiscal Jun GaΓ±a sa pagsama sa ating delegation.
At higit sa lahat, ang byaheng ito ay ZERO COST sa ating gobyerno, ngunit napakalaki ng potensyal na pakinabang para sa kinabukasan ng ating lungsod. ![]()
