โ„™๐•™๐•š๐•โ„๐•–๐•’๐•๐•ฅ๐•™, ๐•€๐•ก๐•š๐•Ÿ๐•’๐•˜๐••๐•š๐•ฃ๐•š๐•จ๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•€๐•œ๐•’-๐Ÿ›๐Ÿ™ ๐•‹๐•’๐• ๐•Ÿ ๐•ค๐•’ ๐•Š๐•–๐•ฃ๐•“๐•š๐•ค๐•ช๐•  โ„™๐•’๐•ฃ๐•’ ๐•ค๐•’ ๐•‚๐•’๐•๐•ฆ๐•ค๐•ฆ๐•˜๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•Š๐•–๐•˜๐•ฆ๐•ฃ๐•’๐••๐•  ๐•Ÿ๐•˜ โ„™๐•š๐•๐•š๐•ก๐•š๐•Ÿ๐• 

Ipinagdiriwang ng PhilHealth ang ika-31 anibersaryo nito kasabay ng paggunita sa National Health Insurance Month tuwing buwan ng Pebrero. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang โ€œKa-YAKAP ang Pilipino sa Kalusugang Segurado,โ€ na sumasalamin sa patuloy na pangako ng ahensiya na yakapin at alagaan ang kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.

Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng PhilHealth sa buhay ng bawat Pilipino, idineklara sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1400 (2007) ang buwan ng Pebrero bilang National Health Insurance Month. Kinilala sa proklamasyong ito ang mahalagang papel ng PhilHealth sa pagbibigay proteksiyon sa kalusugan at pinansiyal na seguridad ng sambayanan.

Kaya naman sa ika-31 taon nito, pinatitibay ng PhilHealth ang pangako nitong maghatid ng mas pinalawak at tumutugong benepisyo sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga benefit package, lalo na para sa mga pinaka-mabigat na sakit at karaniwang ina-avail na kaso, upang mabawasan ang gastos ng mga miyembro sa pagpapagamot.

Ngayong taon, nakatuon ang PhilHealth sa pag-aayos ng iba pang benepisyo upang mas tumugon sa aktwal na pangangailangan ng mga miyembro.

Sentro ng mga repormang ito ang PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program)-isang proaktibong programa na naglalayong ilipat ang pokus mula sa reaktibong gamutan patungo sa preventive care.

Layunin ng PhilHealth YAKAP na panatilihing โ€œmalayo sa sakitโ€ ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng maagang pagtukoy ng karamdaman at tuloy-tuloy na pagbabantay ng kalusugan.

Sa ilalim ng PhilHealth YAKAP Program, magkakaroon ang lahat ng Pilipino ng access sa isang komprehensibong primary care benefit package sa pamamagitan ng mga accredited YAKAP Clinics. Kabilang sa mga benepisyong ito ang primary care consultations, laboratory at diagnostic tests, PhilHealth GAMOT, at cancer screening services.

Bilang bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo, ilulunsad ng PhilHealth ang GAMOT App ngayong Pebrero na gaganapin sa apat na probinsiya nationwide. Sa region 4A, gaganapin ang launching sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Ang GAMOT app ay isang digital platform na magpapadali sa access ng mga miyembro sa impormasyon at serbisyong may kaugnayan sa PhilHealth GAMOT at iba pang benepisyo.

Isasagawa ang ika-31 anibersaryo sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na nakatuon sa pagpapalalim ng kaalaman sa mga miyembro sa pamamagitan ng mga serye ng oryentasyon, thanksgiving mass at day of prayer. May Food Bazaar at Flea Market din bilang suporta sa mga maliliit na negosyante at lokal na produkto at client โ€œtreatsโ€ sa mga Local Health Insurance Offices upang higit na maipakita ang diwa ng serbisyo para sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

2 Minutes
National News
โ„™๐•™๐•š๐•โ„๐•–๐•’๐•๐•ฅ๐•™, ๐•€๐•ก๐•š๐•Ÿ๐•’๐•˜๐••๐•š๐•ฃ๐•š๐•จ๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•€๐•œ๐•’-๐Ÿ›๐Ÿ™ ๐•‹๐•’๐• ๐•Ÿ ๐•ค๐•’ ๐•Š๐•–๐•ฃ๐•“๐•š๐•ค๐•ช๐•  โ„™๐•’๐•ฃ๐•’ ๐•ค๐•’ ๐•‚๐•’๐•๐•ฆ๐•ค๐•ฆ๐•˜๐•’๐•Ÿ๐•˜ ๐•Š๐•–๐•˜๐•ฆ๐•ฃ๐•’๐••๐•  ๐•Ÿ๐•˜ โ„™๐•š๐•๐•š๐•ก๐•š๐•Ÿ๐• 
2 Minutes
National News
NEW LEADERSHIP, RENEWED COMMITMENT: NAPOLCOM CAVITE TURNOVER AND OATH-TAKING
0 Minutes
Provincial News
๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป | ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—š๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜†
2 Minutes
National News
PhilHealth urges members to get preventive check-ups under YAKAP program