Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Balay Silangan Reformation and Rehabilitation Center Phase 1, isang mahalagang proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba na naglalayong magbigay ng panibagong direksyon at pagkakataon sa mga nais magbagong-buhay.
Patunay ito na ang buwis ng bawat Calambeรฑo ay masinop at tapat na ginagamit upang makapagpatayo ng mga programang may malasakit, nagtataguyod ng kaayusan, at nagbibigay ng pag-asa para sa mas maayos at ligtas na komunidad. Sama-sama nating itinataguyod ang serbisyong may puso para sa bawat mamamayan ng Calamba.
