Isinagawa ang Blessing and Turnover Ceremony of Roving Patrol Vehicles bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod na palakasin ang serbisyong pangkaligtasan at kaayusan sa komunidad.
Sa nasabing aktibidad, pormal na ipinagkaloob ang mga roving patrol units na magsisilbing mahalagang suporta sa mas episyente at maagap na pagbibigay ng serbisyong pangseguridad. Sampung (10) patrol vehicles ang tinanggap ng PNP–Trece Martires City, habang ang iba pang 10 patrol units ay ipinagkaloob sa mga sumusunod na benepisyaryo:
Las Piñas Relocatees / Summerhomes
Muntinlupa Relocatees / Sunshineville 2
DPWH / Sunshineville 2
Isinagawa ang symbolic handing over of keys at mga dokumento bilang tanda ng opisyal na paglipat ng responsibilidad at paggamit ng mga nasabing sasakyan. Ang mga patrol units na ito ay inaasahang magpapalakas sa police at barangay visibility, magpapabilis sa response time, at magpapahusay pa ng kanilang serbisyo.
Higit sa lahat, ang programang ito ay sumasalamin sa layunin ng Pamahalaang Lungsod na maghatid ng pantay, inklusibo, at makataong serbisyo, kung saan ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng sektor ang siyang pangunahing prayoridad.
Maraming salamat sa Office of the City Mayor – Housing Division sa pangangasiwa sa nasabing aktibidad.
