Distribution of Solo Parent Monthly Subsidy

Mayroon po tayong kabuuang 588 na Solo Parent na nabigyan at nakatanggap ng ₱1,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre 2025, o kabuuang ₱6,000 bawat benepisyaryo sa loob ng anim (6) na buwan.

Bagama’t simple ang tulong na ito, malinaw po ang layunin ng ating programa na makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng ating mga solo parent.

Patuloy po tayong magpapatupad ng mga inklusibong programa upang matiyak na ang bawat magulang, anuman ang kanilang kalagayan, ay may pagkakataong maitaguyod ang kanilang pamilya.

Maraming salamat po sa Office of the City Social Welfare and Development Officer at sa Office of the City Treasurer sa maayos na pangangasiwa upang maging maayos ang pamamahagi ng solo parent assistance.

Maraming salamat tax payers.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag-Asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

❤️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *