Inaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment, sa pangunguna ng Tagapangulo nitong si Cong. Jolo Revilla ang consolidated National Minimum Wage Billโang panukalang magwawakas sa umiiral na provincial rate sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa!
Sa ilalim ng panukala, papalitan ang kasalukuyang regional wage system ng iisang National Minimum Wage, na magbibigay ng โequal pay for equal workโ, saan man nakatira o nagta-trabaho ang manggagawa.
Itoโy isang makasaysayang hakbang para sa makatarungan at makataong wage system na sumasalamin sa tunay na halaga ng manggagawa.
Kasabay nito, tinalakay rin ng Komite ang iba pang panukalang nagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng manggagawaโmula sa NLRC survivorship benefits, Magna Carta for Construction Workers, hanggang sa mas mahigpit na Occupational Safety and Health (OSH) measures lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Tinalakay din ang ilang resolusyon na tutugon sa mga reported abuses sa mga BPO workers sa panahon ng sakuna upang maprotektahan din ang kanilang ‘right to refuse unsafe work’.
Nagpapasalamat tayo sa ating mga kapwa-mambabatas sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa ating Komite na kaisa natin sa pagsusulong ng dignidad, karapatan at proteksyon ng ating labor sector.
Sama-sama nating titindigan ang mga ito hanggang dulo, para sa bawat manggagawang Pilipino!
#TuloyAngLaban#BuwaginAngProvincialRate#CommitteeOnLaborAndEmployment#20thCongress#CaviteFirstDistrict#Cavite#JoloCares#AlagangRevilla
