Dapat hindi kami parte ng problema,Dapat kami ay parte ng Solusyon sa problema” yan ang mga katagang sinabi ni 1st District Congressman Edwin L Olivarez sa kapwa niya paranaqueño nitong march 9,2023 sa ginanap na AICS DISTRIBUTION. Pinangunahan ni Congressman Edwin L. Olivarez ang AICS Distribution (Assistance to Individuals in Crisis Situation) Payout/Distribution sa Old San Dionisio Gym, Barangay San Dionisio. Nakatanggap ang mahigit 200 na Parañaqueño mula sa iba’t-ibang barangay ng financial assistance sa pamamagitan ng tulong pinansyal. Kasama rin sa natulungan ay ang 41 na residente ng Cubic Site, Barangay Merville na naapektuhan ng sunog noong ika-15 ng Enero. Pinasalamatan ni Cong. Edwin si DSWD Sec. Rex Gatchalian, na kapwa niyang 3-term Mayor, colleague sa Kongreso, at kaibigan ng siyam na taon bago pa man siya maitalagang Secretary ng DSWD ng ating pangulo. Nasabi rin ni Cong. Edwin ang posibilidad na magkaroon ng satellite DSWD office sa lungsod ng Parañaque, upang mailapit sa mamamayan ang serbisyo na kanilang kailangan. Dumalo rin sina Mayor Eric L. Olivarez, Konsehal Pablo “Paolo” Olivarez II at ang team ng First Congressional District Office na sina COS Ding Soriano, Mr. Mar Jimenez, Mr. Bernie Amurao, Mr. Rudy Ojo at Ms. Eva Nono. Para sa mga nais mag avail ng tulong financial, medical, burial, educational assistance at iba-pa maaring magtungo lamang sa First Congressional District Office, 2nd Floor ng Parañaque City Hall, mula 8:00 AM to 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes.