TOPCOP TRAINING, ISINAGAWA PARA SA KALIGTASAN NG MGA TURISTA SA CAVITE

Matagumpay na isinagawa ng DOT Region IV-A ang TOPCOP seminar noong Agosto 5-8, 2025 sa Tagaytay City, katuwang ang PNP-CALABARZON, Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, at LGU Tagaytay.

Lumahok ang 50 tourist police mula sa ibaโ€™t ibang bayan sa Cavite upang sanayin sa seguridad, first aid, karapatang pantao, at tamang pakikitungo sa turista.

Binigyang-diin din ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) at nagsagawa ng open forum kasama ang tourism stakeholders.

Pinuri ni DOT IV-A Regional Director Marites Castro ang mga kalahok sa kanilang dedikasyon sa mas ligtas na turismo sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *