Sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST) CALABARZON, at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, ay matagumpay na idinaos ang unang araw ng 2024 DOST CALABARZON Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) na may temang โSiyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan, Providing Solutions and Opening Opportunities in the Green Economyโ. Ang 3-Day DOST RSTIW ay idadaos sa Carmona Community Center.
Dito ay ginanap ang launching ng ibaโt-ibang exhibits mula sa ibaโt-ibang organisasyon at educational institutions ayon sa temang Green Economy at ang pagbubukas ng Grand TIKME (Teknolohiya at Inobasyon, Kaagapay ng Micro Enterprises). Sa unang araw ay isinagawa ang ibaโt-ibang Science & Technology Project Visits gaya ng sa RS Unitech Manufacturing and Trading Corporation sa Carmona at ng Good Sense Foods and Juices Corporation sa Silang.
Sa gabi ay idinaos naman ang KatHABI Fashion Show: A Fellowship Night sa Manila Jockey Club na dadaluhan ng mga Tourism Officers sa CALABARZON at iba pang mga stakeholders ng science and technology.
#DOST#DOST4AGreenEconomoy#DOSTCALABARZON#2024RSTIWinCALABARZON