PAMAMAHAGI NG TULONG SA 500 NA MGA BACOOREÑO, PINANGUNAHAN NI VICE MAYOR ROWENA BAUTISTA-MENDIOLA

Isang matagumpay na pamamahagi ng tulong ang isinagawa ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa Revilla Hall ngayong araw, Hulyo 4, 2024. Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, kasama si Ms. Khei Sanchez, na kumatawan kay Mayor Strike B. Revilla.

Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Umabot sa 500 na residente ng Bacoor ang nakatanggap ng iba’t-ibang uri ng tulong tulad ng burial assistance, financial assistance, at medical assistance.

Ang matagumpay na kaganapan ay hindi lamang nagbigay ng tulong sa mga nangangailangang Bacoreño, kundi nagbigay din ng impormasyon tungkol sa mga patakarang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng buong lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *