Bilang pagtatapos ng mga programa sa selebrasyon ng National Women’s Month tayo ay nagkaroon ng isang talk show na pinamagatang “PULSO ng TRECEÑO sa Buwan ng Kababaihan with Jojo & Maki.” Nagkaroon ng mga katanungan hango sa panunungkulan ng inyong lingkod at personal na pamumuhay. Ang nasabing mga katanungan ay nagmula sa Treceño na kinabibilangan ng ibat-ibang sektor.
Kasabay nito ay nagkaroon din ng Serbisyo kay Juana Program or libreng manicure/pedicure at free massage para sa ating mga empleyado. Nagkaroon din ng GO BAG distribution sa pangunguna ng CDRRM office para sa ating mga empleyado na magagamit nila kung sakaling dumating ang hindi inaasahang pangyayari or emergency.
Maraming salamat sa mga minamahal kong City Government Employees para sa inyong maayos na pagseserbisyo na may puso❤️ para sa Treceños.
Sana po ay may napulot kayong aral mula sa akin.
So sa mga nanood, pagkagising natin pagkatapos magdasal, ano ang daily mantra natin pagharap natin sa salamin?
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!