Lubos pong ipinagmamalaki ni Mayor Dahlia Loyola ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona ay kinilala sa 2024 GLOBAL INCLUSION AWARDS ng UNESCO at International Forum of Inclusion Practitioners (IFIP) kung saan ay ipinagmalaki ang CARER Program ng ating Persons with Disability Affairs Office – Carmona Cavite. Ang pagkilala pong ito ay isang karangalang personal po na tinanggap sa ginanap na Global Inclusive Schools Forum sa UNESCO HQ sa Paris, France.Ayon kay Mayor Loyola, “Isa po itong patunay kung gaano na kalayo ang ating napagtagumpayan sa ating adhikaing maging isang inklusibong komunidad ang Carmona. Ang pagkilalang ito ay para sa lahat ng mga mamamayan at lalong-lalo na sa mga minamahal nating PWDs na buong-puso nating sinusuportahan ang inyong pag-unlad, dahil sa Carmona walang sinoman ang maiiwan dahil Dapat Angat Lahat.”