P50-m halaga ng mga bagong patrol car, kagamitan, ipinagkaloob sa Cavite PNP

Bilang pagbibigay ng buong suporta sa modernization program ng Philippine National Police (PNP), namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite nitong Martes sa Cavite Police Provincial Office (CPPO) ng 25 mobile patrol cars at 670 handhelds at base radio communication units na nagkakahalaga ng P50.35 milyon. Sa turnover ceremony na ginanap sa Cavite PPO covered court, kinilala ni CPPO provincial director Col. Christopher Falculan Olazo ang mga taong tumulong sa pagbibigay ng donasyon. Ayon kay Olazo, lalong magpapalakas ng moral ng mga miyembro ng Cavite Police at magreresulta sa mas magandang kalidad ng serbisyo sa publiko ang kanilang mga natanggap na kagamitan.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Olazo sa administrasyon ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla sa kanyang malaking pagsuporta sa kapulisan ng lalawigan. Bukod kina Olazo at Remulla, dumalo din sa turnover ng mga sasakyan at kagamitan sa radyo sina Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., direktor ng PNP Regional Office 4A, na nagpaabot ng pasasalamat sa gobernador sa pagbibigay inspirasyon sa kapulisan ng Cavite bilang huwarang “ama ng lalawigan”. โ€œAgain, I remind every man and woman in police uniform to continue your duties and responsibilities with utmost diligence as a form of repayment for the community and constituents of the province of Cavite,โ€ paghayag ni Nartatez.

Kaugnay ng pagpapaigting ng ating peace and order measures, nag-turnover si Mayor Strike Revilla ng limang motorsiklo sa Bacoor Philippine National Police (PNP). Makakatulong ang mga ito sa pagsugpo ng kriminalidad sa ating lungsod, lalo ang mga tinatawag na street crimes. Simple lamang po ang ating pangarap: maging ligtas ang lahatโ€ฆ maging at home dito sa Bacoor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜