Mahigit 1,000 existing Gentriseรฑo scholars at 500 new scholars na nag-apply online ang nabigyan ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ng P3,000 Educational Assistance for College Students, para sa 1st Semester ng School Year 2022-2023. Isinagawa ang distribution ng educational assistance nitong nakaraang Disyembre sa General Trias Cultural and Convention Center na dinaluhan nila Mayor Jon-Jon Ferrer, Cong. Ony Ferrer, Vice-Mayor Jonas Labuguen at mga Sangguniang Panlungsod Members. Ang nasabing programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng LGU sa sektor ng edukasyon lalong-lalo na sa mga mag-aaral na Gentriseรฑo.(JERRY GUINA)