CALAMBA City, Laguna – Magkatuwang kamakailan sina Gobernador Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Hernandez sa isinagawang paglulunsad ng New Born Screening Continuity Clinic – Laguna ng Dr. Jose Rizal Memorial District Hospital sa lungsod na ito.
Ang new born screening ay isang paraan o test ng dugo upang makita kung may sakit na namana mula sa pamilya ang isang batang bagong silang. Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga sanggol na lumaki at mamuhay ng normal at magamot ang sakit habang sila ay bata pa.
Karagdagan ito sa mga programang ginagawa ni Gob. Ramil upang lalong mapabuti ang serbisyong medikal sa lahat ng pan-distritong pagamutan sa lalawigan.
Kasama sa programa ang Department of Health-4A, city at municipal health officers, at ilang pinuno ng pan-distritong pagamutan at kawani sa ilalim ng pamamahala ni Dra. Eloisa Inano.
(J. Coroza, photo by Angel Sapungan/Laguna PIO)