Dinaluhan po ng inyong lingkod Mayor Alex ‘AA’ Advincula ang Inagurasyon at Pagbabasbas ng Regional Trial Court Annex Building (Old LTO Building) at New Municipal Trial Courts in Cities Building (Formerly Imus Vocational and Technical School). Nakasama naman po sa programang ito sina Vice Mayor Homer Saquilayan at Gov. Jonvic Remulla. Ayon kay Mayor Alex Advincula, “Sinisiguro po namin na sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad na ito ay mas paiigtingin natin ang proteksyon ng bawat isa na walang kasalanan.”