CEREMONIAL SIGNING OF MEMORANDUM OFAGREEMENT: BIGYANG -HALAGA, BANGON MSMES

N City Mayor Roseller “Ross” H.
Rizal at Food and Drug
Administration (FDA)
Director General Dr.
Samuel A. Zacate ang
Memorandum of Agreement (MOA) na magpapaigting ng programang
“Bigyang-halaga, Bangon MSMEs” sa Lungsod ng Calamba. Ang
Ceremonial Signing ay
ginanap sa Calamba City
Hall noong Miyerkules,
January 10, 2024.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Calamba City Mayor Roseller
“Ross” H. Rizal na mahalaga ang pagsunod
sa mga alituntunin ng
FDA dahil tinitiyak nito
ang kalidad ng mga
produkto sa merkado.
Aniya, makakasiguro
ang mga konsyumer
na ligtas ang kanilang
mga binibili sa pamamagitan ng pagtalima ng
mga negosyante sa mga
pamantayan ng FDA.
Dagdag pa niya, makikinabang rin ang iba’t
ibang sektor sa Lungsod ng Calamba tulad
ng fisherfolks, farmers,
cooperatives at marami
pang iba, dahil inilapit
na ng FDA ang kanilang
serbisyo sa mga Calambeño.
Sa pamamagitan
ng MOA, magiging mas
accessible na ang mga
streamlined processes ng FDA para sa mga
negosyanteng Calambeño. Magbibigay daan
rin ito sa mas maraming
capacity-building activities na higit na makakatulong sa mga MSMEs.
Kabilang sa mga dumalo
sa okasyon ang mga kinatawan mula sa Calamba City Chamber of
Commerce and Indsutry,
FARMC, at Calamba City
Cooperative Development Council.
Ang FDA ay isang
regulatory agency sa
ilalim ng Department of
Health. Kanilang mandato ang suriin at siguraduhing ligtas ang mga
sumusunod na produkto: food, drugs, cosmetics, devices, biologicals,
vaccines, in-vitro diagnostic reagents, radiation-emitting devices or equipment, and household/urban hazardous
substances, including
pesticides and toys, or
consumer products that
may have an effect on
health. (CALAMBA CITY LIPESO/MARRA VILLEGAS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *