Pasay City LGU pinarangalan ng IACT

PASAY CITY – Kinilala ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ang Pasay City government sa ginawa nitong pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga gumagamit ng kalsada noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ipinagkaloob ni IACT chief Charlie Apolinario Del Rosario ang pagkilala sa seremonyang ginanap sa MAAX Auditorium, SM Mall of Asia Complex noong Pebrero 13, na tinangggap ni Peter Eric Pardo, Chief of Staff ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sinabi ni Pardo na inaalay ni Mayor Emi ang natanggap na parangal sa mga Pasayeño na nag-ambag ng lakas at malasakit upang matulungan ang publiko noong panahon ng mga lockdown at paghihigpit sanhi ng pandemya.

Kinilala ng IACT ang katapangan ng mga operatiba at mapagkakatiwalaang partner artic ng national government at Department of Transportation (DOTr) na nagpakita ng kabayanihan sa pagsagip ng buhay, pagpapanatili ng seguridad, at pagpapakita ng katapatan noong panahon ng pandemya.

Sa mensahe ni Pardo, ipinaabot Mayor Emi ang pagdakila sa mga nasasakupan at opisyal ng Lungsod mula sa antas ng barangay hanggang sa pinakamataas na pinuno na nag-ambag ng kanilang oras, pagsisikap, at dedikasyon noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Ipinagkaloob ng IACT sa Lungsod ang “Magiting na Lingkod Award” dahil sa huwarang pagganap at napakahalagang kontribusyon noong kahigpitan sa COVID-19 pandemic, partikular sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko.

Bukod kay Pardo, dumalo rin sa awarding para kumatawan kay Mayor Emi sina RR Salvador ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO); Art Fortaleza, hepe ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO); at, Ace Sevilla ng Tricycle and Pedicab Franchise Regulatory Office (TPFRO). (BENJIE J. MURILLO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *