Sa ginanap na Flag RaisingCeremony ng Pamahalaang Bayanng Rosario, Cavite

Sa ginanap na Flag Raising
Ceremony ng Pamahalaang Bayan
ng Rosario, Cavite noong Enero
8,2024. Pinangunahan ito ni Mayor Voltaire Ricafrente, Vice Mayor
Bamm Gonzales, at mga konsehal
ng bayan.
Iprinisinta ang plake ng pagkilala para sa katapatan at kahusayan sa Pamamahalang Lokal
o Seal of Good Local Governance
(SGLG) na iginawad sa munisipyo
ng Rosario para sa taong 2023. Kasabay din nito ang isa pang plake ng pagkilalang nasyonal para sa Gawad Kalasag Seal of Excellence para naman sa Disaster-Preparedness and Management.
Binigyan din ng Sertipiko ng Pagkilala ang ilang opisyales ng Barangay Wawa I sa pangunguna ni Punong Barangay Diosdado Copon, Brgy. Kagawad Denmark Sagpao, Dep. Chief Tanod Alejandro Mercado, Brgy. Tanod Roderick Estores, Brgy. Tanod Prince Vincent Carascal para sa kanilang nagging aksyon laban
sa iligal na droga sa kanilang lugar.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang lahat ng tumulong upang ating makamit ang Seal of Good Local Governance (SGLG). Gayundin
nagpasalamat sya sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa pagkilalang ito. Pinasalamatan din ni Mayor Voltaire ang pamunuan ng Barangay Wawa I para sa suportang ibinibigay sa ating laban kontra illegal na droga. Pangako nya ang suporta sa lahat ng adhikain ng bawat barangay para sa
ikasasaayos ng ating bayan at para sa pagpapatuloy ng ating adhikaing isang bayang tahimik, masaya at maunlad.
Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang DILG, PNP, BFP, Comelec, DepEd, mga Punong Barangay, at mga Pastor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *