Ramdam na ramdam
ang patuloy na tigil-pasada ng STARTER PISTON
transport group sa Laguna
na at Cavite sa kabila ng
isyu ng prohibisyon sa
unconsolidated PUVs na
magsisimula sa bagong taon.
Simula noong December 14 nang maglunsad ng panibagong tigil-pasada ang STARTER
PISTON transport group
sa Laguna, iilang bayan
na ang nakaranas ng
pagka-stranded sa daan
dahil sa kawalan ng commuting services.
Sa Cavite, pumorma
na rin magtigil-pasada
ang ibang mga transport
group at nagsanhi na
rin ng pagka-stranded
sa ibang mga commuter
na papunta at pauwi sa
kanilang mga kinaroroonan.
Ayon sa transport
groups Piston at Manibela, balak pa nilang
maglunsad pa ng tuluyang welga na magtatagal nang dalawang
linggo simula December
18 upang iprotesta ang
mangyayaring prohibisyon ng Land Transportation Franchising
and Regulatory Board
(LTFRB) sa mga unconsolidated PUVs sa buong
bansa.
Ito ay kasabay ng
pagpanukala ng LTFRB
ng isang kontrobersyal
na Memorandum Circular 2023-051 nitong
Huwebes kung saan:
“In all routes WITHOUT
CONSOLIDATED [Transport Service Entities], all
Provisional Authorities
(PA) issued to INDIVIDUAL OPERATORS are
DEEMED REVOKED effective 01 January 2024,
and the units authorized
therein shall not be confirmed for purposes of
registration as public
utility vehicles.”
Balak ituloy ng mga
transport groups ang
panibagong tigil-pasada
hanggang sa darating na
January 2024.
(GOCAVITE)