Viral overpriced camera, nagmula umano sa Imus LGU-DEPED

Ang overpriced na camera na nag-viral sa social media kamakailan ay donasyon umano ng local government unit (LGU) ng Imus sa School Divisions Office (SDO), ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd) nitong Martes.

Ang tinutukoy ng DepEd ay ang Canon DSLR camera na unang nakita mula sa tinanggal na ngayong Facebook post ng photographer na si Jhun Dantes at ibinahagi ng aktibistang si Renato Reyes.

Batay sa mga ulat, ang nasabing gadget ay may presyong apat na beses na mas mataas kaysa sa orihinal na halaga ng mga katulad na modelo.

Sa sticker ng device ay makikita ang tag na P155,929, samantalang ang mga katulad na modelo umano nito ay ibinebenta ng humigit-kumulang P23,000 lamang online, pahayag ni Reyes.

Dinepensahan naman ng DepEd ang kanilang ahensya at ipinaliwanag na ang camera ay ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Imus City sa DepEd division office ng lungsod.

β€œThe camera was given by the Local Government Unit to the SDO. DepEd did not have any participation or involvement in the procurement process of the subject cameras,” ayon sa pahayag ng DepEd kamakailan.

Sa kasalukuyan ay wala pang karagdagan pahayag ang DepEd at Imus City LGU ukol sa isyu.(GO CAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *