TULAK NG DROGA NA MAY BITBIT NG GRANADA NAKIPAGBUNO NA AGAWIN ANG BARIL NG PULIS, PATAY

PATAY ang isang 28-anyos na lalaki na may warrant of arrest sa kasong droga na pumalag nang aktong aarestuhin at nakipag habulan sa pulis sa kalagitnaan ng Brgy Talaba 6, Bacoor, Cavite. Ayon sa report, Kinilala ang suspek na si alyas โ€˜Randyโ€™ may live-in partner ng 153 Brgy Talaba 6, ng nasabing lungsod. Batay ulat ni PSMS Roberto Lacasa ng Bacoor CPS, dakong ala-1:30 ng hapon nang nang nagtungo ang mga mga operatiba ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station sa Bagong Kalsada,
Brgy Zapote 1, Bacoor City, Cavite upang magsilbi ng warrant of arrest laban kay alias โ€˜Randyโ€™, 28. Bitbit ang nasabing
warrant of arrest na inisyu
ni Hon. Judge Maricar Saprodon Sison ng RTC Branch
113, Bacoor City, Cavite
laban sa suspek sa kasong
paglabag sa Sec 5 at Sec
13, Art 2 ng RA 9165, pumalag ito at nagbanta na itatapon nito sa mga operatiba
ang hawak niyang granada.
Tinangka ni Police Corporal Carmelito Dominguez,
ng Bacoor CPS na pakalmahin ang suspek subalit tumalon ito sa bintana ng kanilang bahay kaya hinabol siya
ng mga operatiba at doon
niya itinapon ang hawak na
granada.
Gayunman, hindi sumabog ang granada at dito
nahawakan ni Dominguez
ang suspek subalit tinangka
nitong agawin ang service firearm ng pulis subalit sa
pagbubuno ng dalawa ay
pumutok ito at tumama sa
suspek na nagresulta sa
kanyang kamatayan.
MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜