Pormal nang
b i n u k s a n
ang bagong
p a s i l i d a d
ng lokal na pamahalaan
para sa pagsusulong ng
Community-Based Drug
Rehabilitation Program
(CBDRP) sa kanilang
bayan.
Noong Miyerkules,
Nobyembre 29, pinangunahan nina Mayor Raffy
Dualan, Naic Police chief,
PLt.Col. Resty Soriano, at
Dr. Carolina Martel ang
pagbubukas ng bagong
gusali.
Bilang bahagi ng
drug rehabilitation program ng pamahalaan,
binibigyang pansin ng
CBDRP ang mahalagang
gampanin ng komunidad
sa tuloy-tuloy na recovery ng mga drug dependent. Layon rin nitong
makabuo ng progresibong livelihood program
para sa mga Persons Who
Use Drugs (PWUDs).
Ayon kay Mayor
Raffy Dualan, buong pusong sinusuportahan ng
kaniyang mga kababayan
ang CBDP upang mabawasan ang kriminalidad
at, makapagsagawa ng
rehabilitasyon sa bawat
indibidwal na naging biktima ng ipinagbabawal
na gamot.(PIA-Cavite