Bilang patuloy na pagdiriwang ng Children’s Month ginanap muli ang panunumpa ng Panatang Makabata na naglalayong mapaunlad ang kamalayan ng
bawat isa sa karapatan ng mga bata. Kabilang sa nakiisa ang mga mag-aaral sa ibat-ibang Child Development Centers sa ating bayan kasama ang kanilang mga
guro at magulang na dumalo din para sa State of Children’s Address ni Mayor Voltaire Ricafrente bilang bahagi ng pagdiriwang ng Childrens Month na may
temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All.” Nakiisa din ang mga mag-aaral sa ibat-ibang Child Development Center sa ating bayan
kasama ang kanilang mga guro at magulang. Binigyang pagkilala rin si Mr. Mansueto Ceralvo ng Barangay Tejeros Convention na nagwagi ng Gold Medal sa
National Open Athletic Championship na ginanap sa Pasig City. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Voltaire sa ating mga Child Development Worker
na walang sawang lumilinang sa mga batang Salinas. Pangako nya ang tuloy tuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan sa ating mga kabataan para sa ikauunlad
ng kanilang mga kinabukasan. Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang DILG, PNP, BFP, Comelec, DepEd, mga Punong Barangay, at mga Pastor