Maari nang gamitin sa Lungsod ng Calamba ang Paleng-QR PH Plus, isang proyekto mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ginanap ang program launch at ceremonial ribbon-cutting sa Mercado de Calamba noong Lunes, November 20, 2023. Ang Calamba ay ang kauna-unahang lugar sa Lalawigan ng Laguna kung saan ito magagamit.
Dumalo bilang panauhing-pandangal si BSP South Luzon Regional Director Atty. Tomas Cariño Jr. Sinaad niya sa kanyang talumpati ang mga benipisyo ng paggamit ng cashless mode of payment, tulad ng pag-iwas sa mga nakakahawang sakit at pag-pigil sa sirkulasyun ng pekeng pera. Pinarating naman ni BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat sa pamamagitan ng isang video ang kanyang mensahe. Aniya, importanteng magkaroon ng financial footprint ang mga maliliit na negosyante dahil dito mas madali nilang masusubaybayan ang kanilang kita at kapital.
Sa mensahe ni Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, na ipinarating ni Executive Assistant Ryan Francia, sinabi niya na mahalagang magkaroon ng alternatibong paraan ang mga Calambeño para makapagbayad sa palengke, pampublikong sasakyan, karinderya, at iba pang establisyemento.
Si City Councilor Saturnino Lajara, Committee Chair on Trade, Commerce, and Industry, ang nagbigay ng bating panimula; siya rin ang kumatwan kay Vice Mayor Angelito “Totie” Lazaro Jr. Samantala, si City Councilor Kathrina Silva, na nag-akda ng ordinansa upang mailunsad ang Paleng-QR PH Plus sa Calamba, ang nagbigay ng pangwakas na pananalita.
Pinangunahan ni Calamba City Administrator Johnny Pamuspusan ang ribbon-cutting, kasama rin sina Councilor Jojo Catindig, Councilor Juan Lazaro, at Barangay 5 Chairman Matthew “Tim” Rizal. Calamba City Iipeso