Kikay’s Carenderia sa Batangas City sumailalim sa seminar on food safety na isinagawa ng DOST-Batangas

Sa layong mapalakas ang sistema ng pamamahala at pagsisiguro sa food safety sa komunidad, sumailalim ang Kikay’s Carenderia ng Batangas City sa isang seminar patungkol sa Basic Food Hygiene (BFH) at Food Safety Hazards (FSH) na isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST)-Batangas sa naturang tindahan sa Batangas City noong nakaraang Pebrero 9 hanggang 10.

Tinalakay sa pag-aaral tungkol sa BFH ang mga paksa tulad ng pagproseso ng sanitary permits at health certificates, kalidad at proteksiyon ng pagkain, paglilinis at disimpeksiyon, pest control, personal hygiene, mga probisyon ng Presidential Decree No. 856 na may titulong “Promulgating the Code on Sanitation of the Philippines,” at marami pang iba.

Nagkaroon rin ng lektura patungkol sa iba’t ibang uri ng food hazards, mga implikasyon nito sa pagproseso ng pagkain, at mga control measure para sa tinatawag na food safety hazards o mga agent na maaaring magkontamina sa mga materyales ng pagkain na kinokonsumo ng mga mamamayan at maaring magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng publiko.

Binigyang-diin sa seminar ang proper food handling at proper food servicing operations batay sa batas. Inalam rin ang mga ginagampanang papel ng bawat isa sa pagprepara ng pagkain at kung ano ang kasalukuyan nilang kasanayan at kaparaanan para maiwasan ang mga foodborne disease lalo na sa pagrepara at paghahain ng pagkain sa kanilang food establishment.

Bilang bahagi ng seminar, nagkaroon rin ng diagnostic examination ang mga kalahok upang masukat ang kaalamang natutuhan ng mga ito. Inaasahan na sa pamamagitan ng naturang aktibidad ay mas masisiguro ng naturang food establishment na malinis at ligtas ang pagkaing kanilang inaalok sa publiko.

Nagsilbing tagapagsalita sa naturang pagsasanay ang DOST-CALABARZON Food Safety Team (FST) members na sila Mr. Mhark Ellgine A. Libao, Mr. John Maico M. Hernandez, at Ms. Anna Marie M. Marasigan, kung saan naging batayan ng kanilang lektura ang DOST Unified Food Safety Training Modules.

Note to editors: DOST-CALABARZON is one of the regional offices of the Department of Science and Technology and is located at Jamboree Road, Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna. For more information, you may visit us on Facebook at facebook.com/dostcalabarzon or website www.region4a.dost.gov.ph. You may also reach us at parcu@ro4a.dost.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *