Isang karangalan po para sa inyong lingkod na maging bahagi ng Ground Breaking Ceremony ng ST Telemedia Global Data Centres Cavite 2 sa Gateway Business Park. Ang pagtatayo ng pangalawang data center sa lungsod ng Globe, Ayala Corporation, at ST Telemedia Global Data Centres ay indikasyon ng patuloy na pag-unlad ng ating lungsod at tiwala ng mga mamumuhunan.
Kasama ko pong dumalo sa mahalagang okasyong ito sina Sec. Ivan Uy ng DICT, Gov. Jonvic Remulla, Cong. Ony Ferrer, Vice-Mayor Jonas Labuguen, company executives ng mga nasabing kompanya, at mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor.
Let’s Join Forces for a More Progressive City of General Trias!