Plano ng Metropolitan Manila Development Authority na magtayo ng disaster preparedness training facility sa Carmona, Cavite ngayong taong 2023.
Layon ng MMDA ay ihanda ang mga rescuer para sa “the big one”, isang worst-case scenario na lindol na may magnitude 7.2.
Sisimulan ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad, na magkakaroon ng mga lugar para sa simulation activities, sa ikalawang quarter ng taon kapag nabili na umano ang mga kinakailangang materyales.
Kasama rin umano ang proyekto sa 2023 National Budget.