Nakatanggap ng medical assistance ang higit 1,500 indibidwal sa Tagaytay City, Cavite mula sa LAB for All Program ng pamahalaan ngayong Martes, Oktubre 10 sa Tagaytay International Convention Center.
Pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong at serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan kagaya ng Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Food and Drug Administration (FDA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang mga pribadong kumpanya at organisasyon.
Ayon sa Unang Ginang, layon ng LAB for All Program na mas mailapit pa sa publiko ang mga serbisyong medikal bilang tugon sa hangarin at inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas. (PIA-4A)