IMUS | Inaasahang aabot sa 350 indigent solo parent ang mabibigyan ng educational assistance sa tulong ng pamahalaang lungsod.
Ayon kay Mayor Alex Advincula, nagbukas ang lokal na pamahalaan ng 200 slot para sa mga indigent solo parent na nais magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa elementarya at high school, samantalang 150 slot naman ang inilaan para sa senior high school at college.
Para sa mga interesadong solo parent, maaaring makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa mga requirement at pagproseso nito.
Bisitahin ang official Facebook page ni Mayor Alex Advincula para sa kumpletong listahan ng mga requirement para sa solo parent educational assistance. (pia cavite)