Laguna Cooperative Leaders’ Forum, ginanap sa bayan ng Sta. Cruz

Sta. Cruz Laguna – Sama samang tinipon sa isang forum ang aabot sa 400 mga pinuno at miyembro ng mga kooperatiba sa lalawigan na ginanap sa Laguna Cultural Center nang ika-17 ng Oktubre 2023, sa pangunguna nina Gobernador Ramil L. Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, katuwang ang tanggapan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO). Ang mga kooperatiba sa Laguna ay binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, magpapandan, gumagawa ng tsinelas, mga coconut farmers, transport services, market vendors, at iba pang miyembro ng Serbisyong Tama Kababaihan o STK. Isang magandang pagkakataon para sa lahat ng miyembro ng bawat samahan na matalakay ang iba pa nilang pangangailangan, ganun din ang mga bagong programa inilaan mula sa pamahalaang nasyunal at local para sa ikauunlad ng kani-kanilang kooperatiba; tulad na lang ng bagong oportunidad na makatulong sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng rubber trees at ng abaca production na magsisilbi ding bago at dagdag pagkakakitaan. Nagpasalamat naman sina Gob. Hernandez sa suporta ng mga kooperatiba sa mga programa at pagpapanatili ng pagkakaroon ng matatag na samahan at hanap-buhay ng lahat ng miyembro ng kooperatiba, dahil malaki ang gampanin nila sa pagpapaunlad at takbo ng ekonomiya sa bansa. Ang Cooperative Leaders’ Forum na ito na pinangasiwaan ng PCDO ay bahagi ng pagdiriwang ng 2023 Cooperative Month na may temang:“Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security.” (J. Coroza, photo: Jun Sapungan/Laguna PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *