Nasawi ang dalawang rider nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo ng una habang nagulungan naman ng isang truck na may load na back hoe ang pangalawa sa aksidente sa motorsiklo sa magkahiwalay na lugar sa Cavite. Kinilala ang mga biktima na si alias Arnulfo, 57 ng Brgy San Esteban, Dasmarinas City, Cavite na idineklarang dead on arrival sa Pagamutan ng Dasmarinas City habang namatay sa pinangyarihan ng insidente si alias Gary. Sa ulat, dakong alas 8:15 ng gabi habang minamaneho ni alias Arnulfo ang kanyang motorsiklo na Yamaha Fazzio habang binabagtas ang Phase 2 Town and County Brgy Burol 1 Dasmarinas City, Cavite nang pagsapit sa nasabing lugar nang hindi nito napansin ang isang humps at paglagpas nito ay nawalan siya ng kontrol sa kaniyang manibela at tuluyang nalaglag mula sa kanyang motorsiklo at tumama ang ulo sa semento. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay. Minamaheno naman ni alias Gary ang kanyang kulay black at red na motorsiklong Rusi habang binabagtas ang kahabaan ang Tagaytay-Nasugbu Road sa Brgy Amuyong, Alfonso, Cavite patungo sa east direction at umuukupa ang inner lane habang minamaneho din ng driver ng isang kulay dilaw na truck na may laman na backhoe at binabagtas din ang kaparehas na direksyon ng pagsapit sa pinangyarihan ng insidenta ay aksidenteng dumulas ang motorsiklo ni alias Gary at nalaglag ito at gumulong ang katawan sa ilalim ng truck na may load na backhoe at nagulungan ito dahilan ng kanyang agarang kamatayan. MARGIE BAUTISTA
