BATANGAS CAPITOL Pinasinayaan ang “Pagdiriwang ng Buwan ng Museo Exhibit”

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Gov. Hermilando Mandanas at ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang “Buwan ng Museo,” para sa sining ng pagtatanghal sa Museo ng Batangas sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong Oktubre 9, 2023. Ang exhibit ay kaugnay sa Presidential Proclamation No. 78, Series of 1991, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagtuon sa pambansang kamalayan at pagmamalaki sa mayamang kultura at pamana ng mga Pilipino, na kinakatawan ang mga adhikain ng bansa, at ipinapahayag sa lahat ng media, sining at mga artifact ang kasaysayan at relihiyon. Kasamang dumalo sa pasinaya ay sina Sultan Coyogan Benaning Bansao ng Royal Houses of Sultanate of Batangas, Vice Gov. Mark Leviste, Anakalusugan Partylist Congressman Ray Reyes, Provincial Administrator Wilfredo Racelis, 6th District Senior Board Member Claudette Ambida at iba pang mga board members ng Sangguniang Panlalawigan. Magtatagal ang pagtatanghal hanggang Oktubre 30, 2023. (Benjie J. Murillo / V. Altar / Photos: Francis Milla – Batangas Capitol PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *