Nakatakdang magpadala ang Commission on Elections (Comelec) ng mga vote counting machine (VCM) at iba pang mga election paraphernalia sa mga susunod na araw para sa mga espesyal na botohan sa 7th District ng Cavite na nakatakda sa Pebrero 25. Ang 426 na VCM ay ipapakalat sa Pebrero 18 at 19 habang ang sabay-sabay na final testing sa lahat ng 75 voting centers ay gaganapin naman sa sa Pebrero 19, ayon kay Comelec Chair George Garcia.
Ang pag-imprenta ng 355,184 opisyal na balota ay nagsimula noong Enero 11. Ang mga espesyal na botohan ay gaganapin sa mga munisipalidad ng Amadeo, Indang at Tanza, at Trece Martires City upang piliin ang papalit na kongresista ng mga distrito matapos ang pagkakatalaga kay dating Congressman Jesus Crispin Remulla bilang Justice Secretary.
Ang apat na kandidato ay sina Jose Angelito Aguinaldo, Melencio De Sagun Jr., dating mayor ng Trece Martires City, at Michael Angelo Santos, at ang anak ng Justice chief na si Crispin Diego Remulla, ng National Unity Party