2 warehouse puno ng over priced rice, bistado ng customs

Timbong sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) ang
dalawang warehouse
sa Las Piñas at Bacoor,
Cavite na naglalaman ng
overpriced at imported
rice sacks.
Pinaghihinalaan ng
Customs na smuggled
ang mga ito at nanggagaling sa Vietnam, Thailand, at China na may
tantsadong halaga na
P4️0 million.
Ayon sa mga awtoridad, binebenta ang
mga diumanong smuggled goods nang higit sa
prescribed price range
na itinalaga ng Department of Agriculture
(DA) para sa mga wellmilled at regular-milled
rice.
Tanggi naman ng
mga may-ari na smugglers sila, ani nila’y
traders lamang sila ng
mga nakuhang goods
sa warehouse, at hindi

sila importers—dahil
dito, binigyan ang mga
may-ari ng 15 araw upang magbigay ng proof
of payment of correct
duties at taxes mula sa
kanilang mga supplier.
Kung sakaling hindi sila makakapagbigay
ng dokumentasyon,
haharap sila sa kasong
paglabag sa Republic Act
No. 1084️5, o Anti-Agricultural Smuggling Act
of 2016 at magiging liable ang mga manlalako
sa economic sabotage.
(GOCAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *