STA. CRUZ, Laguna – Sinuportahan nina Gobernador Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Hernandez ang “Sa Pantalan Biyaheng Pangkatagalugan Food and Heritage Festival” na ginanap sa Teds Kitchen sa bayan ng Santa Cruz noong ika-16 ng Setyembre 2023.
Ito ay ang pagsasama-sama ng lahat ng Laguna’s finest products, crafts and artistry.Nakiisa din ang mga exhibitors na taga Laguna at mga mamumuhunan sa lalawigan.Dito naranasan at natikman ang local delicacies at artisan food products ng Laguna.
Layon ng programa na lalo pang mahalin ang kultura ng lalawigan at mahikayat ang lahat ng artist, mgaskilled craftsman, maging mga magsasaka at mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap na makilalaang kanilang ipinagmamalaking sariling produkto.
Ayon sa organizers, ito ang kanilang paraan upang masiguro na ang mga kinagisnan o traditional products ay lalo pang tangkilikin at ipagpatuloy sa susunod na henerasyon.
Hindi lamang ipinakikita sa okasyong ito ang kakayahan ng mga Lagunense kundi nagpapakita rin ito ng suporta sa mga local producers at farmers.
Nagalak naman ang mag-asawang Hernandez sa nasabing programa dahil naka-linya ito sa pagtataguyod ng LOVE Laguna tourism campaign ng pamahalaang panlalawigan.
(J. Coroza, photo:Angel Sapungan/Laguna PIO)