Hinimok ni Senador
Alan Peter Cayetano SEN. CAYETANO
nitong Miyerkules ang
mga pinuno ng Technical Education and Skills
Development Authority
(TESDA) na tulung anang publiko na maging
maalam sa kahalagahan
ng TESDA certification
at, tulad ng isang college
degree, paano ito makakatulong sa kanilang
magtagumpay sa buhay.
“The greatest hindrance of technical vocation in the Philippines
is may pagka-matapobre pa rin tayo kapag
walang diploma,” wika
ng independent senator sa pagdinig ng 2024
proposed budget ng
TESDA nitong Miyerkules, September 13, 2023.
“Even if may diploma ka, we tend to
look at the name of the
school and the country
where we graduated,”
dagdag niya.
Ayon kay Cayetano,
ang problema ay bunga
ng matagal nang pag-iisip ng mga Pilipino na
ang TESDA ay kadalasang nagtuturo sa mga
college drop-out at outof-school youth.
“If we do not fight
the mentality or stigma, ano ang lumalabas? Tatanungin ang
bata, ‘Anong gusto mo
maging?’ [Sasagot ang
bata] ‘E ‘di mag college.’
[Pero sasabihan naman
siya] ‘Eh paano kung
magdrop-out ka na,
mag-TESDA ka na lang!'”
sabi niya.
‘Hindi dapat ganon,”
dagdag niya, habang
hinihimok ang TESDA na
turuan ang mga Pilipino
sa kahalagahan ng technical education sa bansa.
“Baka your job is
not only educating those
who want to have skills
but educating all Filipinos that we are human
beings and the diplomas
are just certifications
of what we can do. We
can actually be nonschooled,” aniya.
Upang ipaliwanag
ang kanyang punto, binanggit ni Cayetano ang
mga kilalang tao tulad
ng yumaong Senador
Blas Ople, ang yumaong founder ng Apple
na si Steve Jobs, at ang
founder ng Microsoft na
si Bill Gates na naging
matagumpay sa buhay
sa kabila ng kawalan ng
college degree.
Ibinigay din niya
ang Germany bilang
halimbawa ng isang
bansa kung saan ang
mga estudyante ay
maaaring magtrabaho
sa malalaking kumpanya habang sila ay nasa
high school pa.
“Sa Germany, kahit
high school [student] ay
nasa accounting department na ng malaking
kumpanya at nag-apprentice sa banks. No
one will doubt the quality of the banking and the
car industry in Germany,” wika niya.
Sinabi ni Cayetano
na ang pagbabagong ito
sa paniniwala at kaisipan ay dapat na itanim
sa lahat, partikular sa
kabataan na maaaring
maghangad ng hindi
tradisyunal na karera.
“Dapat from elementary to high school
pa lang, kapag sinabi ng
mga bata ‘Gusto ko maging magaling sa automotive,’ [tatanungin siya]
‘Saan mo gusto?’ [at sasagot naman ang bata]
‘Gusto ko sa TESDA!”
sabi ng senador.
Sa pagtatapos ng
kanyang manifestation,
ipinahayag ni Cayetano
ang kanyang “suporta sa
TESDA family” habang
ito ay kumikilos upang
mapabuti ang kalidad
ng technical education
sa bansa, pati na ang
ang pag-iisip ng mga tao
tungkol sa mga diploma
ng TESDA.